Letra Tagumpay Nating Lahat de Lea Salonga

Letra de Tagumpay Nating Lahat

Lea Salonga


Tagumpay Nating Lahat
Lea Salonga
(0 votos)
Ako'y anak ng lupang hinirang
Kung saan matatagpuan
Ang hiyas ng perlas ng Silangan
Nagniningning sa buong kapuluan

Taglay ko ang hiwaga ng Silangan
At saan mang bayan o lungsod
Maging Timog, Hilaga at Kanluran
Ang Pilipino ay namumukod

Refrain:
Sama-sama nating abutin
Pinakamatayog na bituin
At ang aking tagumpay
Tagumpay ng aking lahi
Tagumpay ng aking lipi
Ang tanging minimithi at hinahangad
Hangad ko'y tagumpay nating lahat

Ako ay may isang munting pangarap
Sa aking dakilang lupain
At sa pagsasama-sama nating pagsisikap
Sama-sama ring mararating

Ang iba't ibang galaw, iisang patutunguhan
Dito isang araw, isang kapuluan

Sama-sama nating abutin
Pinakamatayog na bituin
At ang aking tagumpay
Tagumpay ng aking lahi
Tagumpay ng aking lipi
Ang tanging minimithi at hinahangad
Hangad ko'y tagumpay nating lahat
Hangad ko'y tagumpay nating lahat


Comparte Tagumpay Nating Lahat! con tus amigos.


Que tal te parece Tagumpay Nating Lahat de Lea Salonga?
Pesima
Mala
Regular
Buena
Excelente